Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

ASG member sumuko sa Sulu

0 128

Kasunod ng pagkakaaresto sa kanyang misis, nagpasya ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group na sumuko sa mga sundalo sa Sulu.

Kinilala ang ASG member na si Jaber Binuri na sumuko sa Joint Task Force-Sulu noong Miyerkoles.

Unang naaresto ang kanyang asawa na si Nudsza Ismanu Aslun, na kinasuhan ng unlawful possession of explosive.

Sinabi ni JTF-S at 11th Infantry Division Commander MGen William N Gonzales, na si Binuri ay nasa ilalim ng pamununo ng napatay na ASG leader na si Hatib Hajan Sawadjaan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, noong 2013 pa siya sumali kay ASG subleader Ben Wagas nang mamatay si Hajan.

“Mga 31 na encounter, o higit pa siguro, ang nasalihan ko. Dati umaabot sa tatlong beses kami nakakasagupa ng sundalo. Madalas K3 machine gun ang dala ko pero naghawak din ako ng M14 at armalite,” sinabi ni Binuri.

“Noong nalaman ko na naaresto ang asawa ko, nagpaalam ako kay Ben Wagas na magbakasyon para kunin ko ‘yung mga anak namin at dalhin sa Zamboanga. Ang totoo, nakatawag na ako sa kaibigan ko na sundalo na gusto ko na bumaba,” sinabi nito.

Si Nudsza Aslun at walong ibang babae ay inaresto noong Pebrero 19 kasunod ng joint law enforcement operation ng mga sundalo at pulis sa Sulu. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.