Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

ASF talamak sa Isabela

0 106

Pinerwisyo ang 375 barangay sa buong Isabela ng African Swine Fever (ASF), ayon sa Isabela Provincial Veterinary Office (IPVO).

Saad ni IPVO officer Dr. Angelo Naui, nananatiling 28 na bayan at lungsod ang apektado ng ASF ngunit nadagdagan ang mga barangay na naapektuhan na umabot na sa 375.

Dahil dito, umabot na sa 42,722 na baboy ang isinailalim sa culling o puwersahang pagkatay habang 4,788 na magsasaka ang apektado.

SM food to go Banner Ad

Dagdag ni Naui, tumigil na ang infection ng ASF sa kanilang lugar habang sa ibang lugar ay kaunti na lamang ang naisasailalim sa culling na baboy.

Patuloy ang pagsasagawa nila ng disinfection sa mga lugar na apektado ng naturang sakit ng baboy upang mapabilis na mapatay ang mga mikrobiyo na natitira pa sa mga kulungan ng baboy.

Sinabi pa ni Naui, batay sa mga kinakatay na baboy sa mga katayan ay bumaba na sa 50 hanggang 60 porsyento. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.