Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

ASF pinerwisyo 25 probinsya, 350K baboy kinatay

0 177

Inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na patuloy pa ring banta sa hog industry sa bansa ang African swine fever (ASF) at umabot na sa 25 probinsya ang apektado.

Sa naging Laging Handa briefing kahapon, inulat ng kalihim na may 350,000 baboy na ang sumailalim sa culling o pagpatay upang maiwasan ang pagkalat pa ng ASF. Aniya, Malaki upang ang epekto nito sa indutrisya ng pag-aalaga ng baboy.

Aniya, sa pakikipagkooperasyon naman ng mga hog raiser at trader makakayang makontrol ng bansa ang ASF. Dagdag pa, patuloy umano ang pagsisimulang muli sa nasabing industriya at nabigyan naman ng ibang livelihood opportunity o mapagkakakitaan ang mga naapektuhan ng ASF.

Kaugnay ntio, tiniyak ng kalihim na sapat ang suplay ng frozen pork at ham para sa Pasko. Habang sa manok naman ay marami pa umanong imbenterayo at hindi naibebenta kasunod na rin ng pandemya. Umaasa ang kalihim na sa pagbubukas ng mga industriya at restaurant ay maibebenta na ang supply ng manok.

Nakapagtala na rin umano ng pagtaas sa farm gate sa presyo ng manok na aniya’y magandang pangitain na nagre-recover ang poultry industry. (SDC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.