Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

ASF kumalat na sa Mindanao

0 267

Iniulat ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa World Health Organization (OIE) na kumakalat na ang African Swine Fever (ASF) sa Mindanao.

Ayon sa ulat ni BAI officer in charge Ronnie Domingo sa OIE, 14 na bagong outbreak ang nangyari sa Mindanao mula Mayo hanggang Agosto ngayong taon.

SM food to go Banner Ad

Ang pinakamalaking outbreak sa Mindanao na umano ay nangyari sa Davao del Sur, sa Barayong, Dalawinon, Mabini, Balnate, Kasuga, Mabini, Tagaytay, at Magsaysay nung July 24 kung saan 1,536 baboy ang pinatay matapos magtala ng 17 kaso sa backyard farm doon.

Sumunod naman ay sa North Cotabato noong July 8 kung saan 1,345 na baboy ang pinatay matapos magtala ng 81 na kaso ng ASF sa Ilian, Mabel, Bantac, Binay, Doles, Ilian, Magkaalam, Mahongcog, Manobisa, Noa, Pangao-an, Poblacion, Sallab, Tagbac, Magpet, at Cotabato.

Base sa ulat ni Domingo, bukod sa Davao del Sur, Davao del Norte, at Davao City, may mga outbreaks na rin sa Kidapawan City, sa Makilala, pati Sarangani. (Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.