Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

ASF kumalat: Higit 2K baboy sa Davao kinatay

0 156

Umaabot na sa 2,175 mga baboy ang kinatay sa Magsaysay, Davao del Sur sanhi ng pagkalat ng African Swine Fever (ASF), habang nasa 384 hog raiser naman ang mga apektado.

Ayon kay Helen Carampatana, ng Municipal Agriculture Office (MAO), kabilang sa mga pinatay na baboy ang lahat ng alagang baboy sa Brgy. Tagaytay na lubos na naapektuhan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Habang moni-monitor pa ang Brgy. Poblacion, Barayong, Balnate Kasuga at Dalawinon kung saan nakitaan ng sintomas ng ASF ang mga baboy. Hinihintay pa ang resulta ng blood sample upang matukoy kung nakapasok sa mga nabanggit na lugar ang sakit ng mga baboy.

Sa kasalukuyan, nasa 311 hog raiser na ang natulungan ng pamahalaan na binayaran ng P5,940 at binigyan ng isang sako ng bigas. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.