Una sa Balita

Asec Mocha manhid sa kabastusan, kababuyan

0 1,948

abante-i-know-better-jun-nardoGinulantang na naman ni Assistant Communications Secretary Mocha Uson ang samba­yanan kaugnay ng simula ng public information campaign niya tungkol sa pede­ralismo. Pinulutan talaga ang secretary nang lumabas ang vlog niyang ‘yon!

Ang boss ni Asec Mocha na si Secretary Martin Andanar ang binakbakan ng mga kritiko. Sa pahayag ni Sec. Martin sa DZBB nina Arnold Clavio at Ali Sotto, sinabi niyang hindi dumaan sa kanya ang pagkuha kay Asec Mocha para pangunahan ang kampanya.

Sa pananaw ng karamihan eh nahaluan ng kabastusan ang campaign da­hil sa paggamit ng mga salitang pepe, dede, etc sa video.

Nagalit si Senate President Koko Pimentel, pi­nagpapaliwanag ni Sen. Francis Pangilinan si Sec. Andanar, “…Sa mga kalaswaan at kababuyan na nangyayari sa kanyang tanggapan na ginagawa ng mga tauhan niya gamit ang pondo, oras, at kagamitan ng gobyerno.”

Pero sorry na lang sa bumabatikos kay Moha. Keber niya basta suportado pa rin siya ni Pangulong Duterte, huh! Manhid na ang katawan at mukha niya since the day ibuhos niya ang suporta kay P-Digong!

Ryan balik ‘Eat Bulaga’ sa Setyembre

Setyembre pa raw ang balik sa Eat Bulaga ni Ryan Agoncillo kung hindi magkakaroon ng pagbabago. Na-miss din siya tuwing tanghali sa ‘Eat Bulaga’ kaya marami ang nagtatanong kung bakit wala siya sa programa.

Sa nakaraang Instagram post ni Ryan, isang tao na kanyang nirerespeto ang nagpayo sa kanyang, “…sometimes we have to press the­ pause button to heal e­verything, may it be a broken knee or a wounded soul.

“Get up and run (or bike in your case). Keep that strong spirit going sabay shot ng whisky. This brought me to tears. I am really grateful for these words my friend, truly. #storiesforlucho.”