Una sa Balita

ASEAN tutulong sa pagpapalakas sa OSH

By
0 185

Nangako na sama-samang tutulong ang mga labor ministers ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang maiangat ang pandaigdigan at pambansang pagtutulungan at mga inisyatibo upang mapalakas ang kampanya para sa Occupational Safety and Health (OSH) sa rehiyon.

Ito ay matapos ang 21st World Congress on Safety and Health at Work sa Singapore kung saan tiniyak ng mga labor ministers ng sampung miyembro ng estado ng ASEAN na poprotektahan nito ang kaligtasan, kapakanan, at kalusugan ng mga manggagawa sa ASEAN region sa pamamagitan ng paglinang at pagpapalakas ng mga panuntunan sa OSH, pagbuo ng mga kapasidad para sa pag-inspeksyon ng OSH at pagpapalakas ng risk management capabilities ng mga miyembrong bansa.
Si Labor Secretary Silvestre Bello III ang naging kinatawan ng Pilipinas sa ginanap na pulong.

Sa nasabing pulong ng OSH, ang mga ASEAN labor minister ay nangako na palalakasin ang pagkolekta ng datos, paigtingin ang kapasidad at pagiging produktibo ng OSH sa mga pribadong sektor, at maibaba ang antas ng aksidente at sakit sa pamamagitan ng paglinang sa OSH ng bawat bansa.

Alam aniya ng mga lider na ang kampanya ay nangangailangan ng masigasig na pagtutulungan kung kaya’t nanindigan ang mga miyembro ng ASEAN na patuloy pang ibabahagi ang karanasan at kaalaman sa OSH; hikayatin ang pakikilahok ng mga employer at organisasyon ng mga manggagawa; at dagdagan ang ugnayan ng mga katuwang na grupo tulad ng International Labour Organization (ILO) at ng Plus Three Countries na kinabibilangan ng bansang Tsina, Japan, at South Korea.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More