Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

APEC @ 27: Pagpapabuti ng kakayahan ng tao tungo sa matibay na kinabukasan

0 429

Lumahok si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kauna-unahang virtual APEC Economic Leaders’ Meeting noong ika-20 ng Nobyembre kasama ang iba pang mga pinuno ng 21 miyembro ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC).

Ang Malaysia ang pinuno ng pagpupulong na may temang “Optimising Human Potential Towards a Resilient Future of Shared Prosperity: Pivot. Prioritise. Progress.” Ang pagpupulong ay nakatuon sa kalakal at pamumuhunan, inclusive economic participation sa pamamagitan ng digital economy at paggamit ng makabagong teknolohiya.

Magaganda ang aking alaala kaugnay sa APEC. Sa katunayan, sa pagpupulong ng APEC sa Vietnam ko unang ginampanan ang pagiging tagapagsalita ni Pangulong Duterte sa isang international press conference. Sa APEC ngayong taon, nagkaroon ako ng pribilehiyo na makibahagi sa pagpupulong ng mga pinuno na sinusubaybayan ko online.

Nagbigay ng limang minutong talumpati si Pangulong Duterte, tulad ng ibang mga pinuno na kasapi ng APEC. Sinabi ng Pangulo na ang COVID-19 ay isang kakaibang hamon ng henerasyong ito na walang katulad ang epekto. Ibinahagi niya sa kanyang mga kapwa pinuno ng APEC na hinarap ng Pilipinas ang pandemya upang iligtas ang buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpigil ng pagkalat nito at samakatwid ang paghinto ng mga gawaing pang-ekonomiya.

Naintindihan niya pagkatapos na ang naturang estratehiya ay “hardly sustainable” dahil nahihirapan ang bansa ngayon na balansehin ang pangangailangan na buksan muli ang ekonomiya habang pinoprotektahan at tinutulungan ang mga Pilipino na umayon sa bagong normal na pamumuhay.

Gayunpaman, binigyang diin ng Pangulo na layunin ng administrasyon niya na magsagawa ng komprehensibong paraan ng paglutas ng problema sa pandemya. Nais niya matulungan ang lahat sa pamamagitan ng mas malalim na pakikipag-ugnayan sa internasyonal na komunidad, lalo na sa mga malapit na kasangga sa Asia Pacific Region.

SM food to go Banner Ad

Nanawagan ang ating Pangulo para sa mas malakas na kooperasyon sa pangkalahatang pag-access ng mga bakuna sa COVID-19, na binibigyang diin ang pangangailangan na matiyak ang walang hadlang na pagdating ng mga medikal na suplay at teknolohiya, partikular na ang paggawa ng mga bakuna para sa pandaigdigang kabutihan ng publiko. Binigyang diin niya na kailangang talunin ang virus saanman dahil kung hindi ay walang makakaligtas sa virus. Nabanggit din niya ang iba’t ibang mga modalidad na maaaring tuklasin upang ma-access ng lahat ang mga bakuna.

Binigyang diin din ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng impormasyon sa pagtiyak sa mabisang pagtugon at pagsisikap na pigilin ang pagkalat ng virus. Pinuri niya ang pagkukusa ng Malaysia na magtatag ng isang online portal para sa pagbabahagi ng mga pinakamahuhusay na kasanayan sa pagtugon sa pandemya.

Panghuli, nanawagan siya para sa isang panibagong pananagutan na magkaroon ng isang libre, bukas, patas at may patakaran na sistema ng multilateral trading upang makamit ang matatag at pangkalahatang pagbangon ng ekonomiya. Sa puntong iyon, kinilala ng Pangulo ang mahalagang papel ng APEC sa pagpapasigla ng paglago ng ekonomiya at kaunlaran sa Pacific Rim Region pagkatapos ng-pandemya pati na ang sa pagkamit ng tuluy-tuloy at komprehensibong paglago.

Ang Isang pangunahing output ng APEC Economic Leaders’ Meeting ngayong taon ay ang Putrajaya Vision 2040, kung saan pinatunayan ng Pilipinas ang suporta nito. Sinabi ni Pangulong Duterte na magbibigay ito ng bagong kumpiyansa sa sama-samang pagsisikap at kakayahang itatag muli ang mas mabuti, malusog, at masaganang lipunan.

Ang layunin ng Putrajaya Vision 2040 ay palalimin ang panrehiyong pagsasama-sama ng ekonomiya, tugunan ang hindi pagkakapantay-pantay ng kita sa loob at pagitan ng mga bansa, at pahusayin ang kooperasyon sa harap ng bagong globalisasyong bunga ng digitalisasyon at inobasyon.

Ang pakikilahok ni Pangulong Duterte sa APEC Economic Leaders’ Meeting at ang kanyang suporta sa Putrajaya Vision 2040 ay nangangahulugan ng pagtupad niya sa kanyang pangako na bumuo ng “matatag, maginhawa, at panatag na buhay.” Ang paninindigan ng Pangulo sa kooperasyong internasyonal, partikular sa pagpapagaan ng epekto sa kalusugan at pang-ekonomiya ng pandemyang COVID-19 pati na ang pagsisikap na ibangon ang ekonomiya ay paraan niya upang ipakita sa taumbayan na walang iiwanan sa panahon ng post-pandemya.

Bilang tagapagsalita ng Pangulo, nagtitiwala ako na ang independiyenteng foreign policy ng Administrasyong ito na makipagkaibigan sa lahat at patuloy na manindigan at makilahok sa mga internasyonal na kasunduan at kooperasyon ay hahantong sa pagkakaroon ng Pilipinas ng mas malakas na ekonomiya.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.