Una sa Balita

Asawa ni Queen Elizabeth isinuko ang lisensya dahil sa car crash

0 429

ISINUKO ng Duke of Edinburgh ang kanyang driving license, ilang linggo matapos itong masangkot sa car crash na nagresulta sa pagkasugat ng isang babae.

Nakaligtas ang 97-anyos na si Price Philip sa insidenteng naganap noong Enero 17 nang bumaligtad ang minamanehong Land Rover matapos bumangga sa isa pang sasakyan sa Sandringham estate.

“After careful consideration The Duke of Edinburgh has taken the decision to voluntarily surrender his driving license,” ayon sa statement ng Buckingham Palace.

Humingi na ng sorry ang asawa ni Queen Elizabeth II kay Emma Fairweather, na nabalian ng braso dahil sa aksidente.
Hindi nakasuot ng seat belt si Philip nang masangkot ito sa car crash.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy