Una sa Balita

Asawa ng mambabatas binakalan ng senatoriable

0 1,669

Lumabas ang pagi­ging tulisan ng isang kilalang personalidad sa bansa matapos niyang bakalan ang ma­yamang asawa ng isang mambabatas.
Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na nilapitan daw ng kilalang personalidad, tawagin nating P1, ang isang nag­la-lie low na per­sonalidad, tawagin na­ting P2, at iniladlad ang plano nitong tumakbo sa 2019 senatorial election.

Aba’y parang may patagong pera itong si P1 kay P2 nang hu­mirit ito na kailangan niya ng malaking datung sa pagtakbo niya sa darating na halalan.

Napapaghalata tuloy na baka ito rin ang ginawa ni P1 sa iba niyang ‘baka’, aba’y kaganda talagang negosyo ang pagtakbo sa halalan dahil manalo at matalo ay busog ang bulsa ng kandidato.

Ang classic nito, ipi­nangangalandakan ni P1 na siya ay malinis, matulungin at magalang sa kapwa-tao.

Wala daw magawa si P2 kundi mag-pledge sa ginawang pambabakal sa kanya ni P1, marahil ay dahil sa takot na buweltahan siya nito kapag tinabla ang hirit ng nagnenegos­yong kandidato.

Pintahan niyo na. Ang asawa ng mambabatas ay kilalang may kabit at may letrang M sa pangalan, habang ang nambakal sa kanya ay talunan sa rambol at may letrang M din sa kanyang pangalan as in M&M.