Una sa Balita

Arwind supremong alaskador

0 190

BUSET!

TATLO lamang sa 10 tira ang naipasok ni Arwind Santos sa 96-86 panalo ng San Miguel sa Game 3 ng kanilang quarterfinal series kontra TNT Miyerkoles nang gabi para muling sumampa sa semifinals ng PBA Philippine Cup ang Beermen.

Ang panlalamig ni Arwind sa opensa, kabaligtaran naman sa pakikipag-asaran niya sa mga player ng KaTropa para masira ang diskarte ng mga ito.

“Kahit hindi ako nakapokus sa opensa. Talagang hindi nila (TNT) ako iniiwanan din. Kaya ginawa ko ‘yung part ko sa depensa, tapos pambu-bully, gusto nila ng asaran hanggang sa dulo,” kuwento ni Santos, na ilang beses nakipag-trash talk sa ilang player ng TNT.

Sa isang pagkakataon, naibalibag pa siya ni Kelly Williams nang tila mapikon ito sa pagkakabuhol nila.

“Muntik nang maging wrestling ‘yung laban. Okay lang ganu’n ‘yun. Kung ‘yun ang gusto nila walang problema,” patuloy nito.

Dumating pa sa punto na pati si Jayson Castro ay hindi na nagustuhan ang kanyang pakikipag-asaran sa mga kakampi nito.

“Ayun nga si Jayson (Castro) sinabihan niya ako, “Arwind huwag kang ganu’n. Bakit mo pa ginagawa ‘yun, lamang naman kayo.”

Pero paglilinaw ni Santos, hindi siya dirty player, part lamang daw iyun ng init ng laban.

“Part ng game ‘yun eh. Pati sila Kelly (Williams) binalibag ako. Basta marami ako nasabi. Pero part lang ng game ‘yun. Nothing perso­nal naman,” panapos ni Santos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy