Una sa Balita

Arwind nag-sorry na pero multa ng 200K

0 372

nahimasmasan si ‘SpiderMan’

PAGKATAPOS ng 99-94 win ng San Miguel Beer kontra TNT sa Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup Finals, matigas ang pagkakasabi ni Arwind Santos na hindi siya magso-sorry kay Terrence Jones.

Tungkol ‘yun sa ‘monkey dance’ ng Beermen veteran sa se­cond quarter nang laro.

Hindi nagustuhan ng marami ang gesture, sinabing racist daw.
Huwebes ng tangha­li, ipinatawag ni Commissioner Willie Marcial si Santos para magpaliwanag.

Narinig ang panig ng player, pinagmulta pa rin ng PBA si Santos ng P200,000.

Ipinapasailalim din siya sa counseling at hinihingan ng 100 hours ng community service.

Bandang hapon, lumambot si Arwind, ‘tinaguriang Spiderman ng PBA, at nag-post ng video ng apology.

“I don’t mean anything bad for you, I hope you forgive me. I wanna say sorry again. Gusto ko rin humingi ng taos-pusong pagpapatawad sa mga fans ng Talk ‘N Text, San Miguel, PBA at sa lahat po ng mga nasaktan. Wala po akong masamang intensiyon,” ani Santos.

Kalmado na si Santos sa 44-second video, nagkukumbaba ang tono.

“Inaamin ko po, mali ako. Sorry po, sana mapatawad n’yo po ako. Tao lang po ako nagkakamali lang din po ako,” aniya. “Sorry.” (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy