Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Arwind keber sa mga basher

0 111

TANGGAP na ni San Miguel Beermen veteran forward Arwind Santos na marami siyang basher.

Aniya’y normal na kasi ito sa trabaho o propesyong pinili niya dahil team sport ang basketball.

“Kasi sa trabaho ko, siyempre may kanya-kanyang team ‘yan. Kunwari kapag’ yung team nila tinatalo namin, automatic magiging hate ka nila (fans), normal ‘yun,” pag-amin ni ‘Spiderman’ sa podcast ni Mikee Reyes.

SM food to go Banner Ad

Dagdag pa ng 39-anyos nabasketbolista, nami-misinterpret lang siya ng mga hater dahil hindi nila kilala nang lubos ang kanyang ugali.

“Marami talaga sa amin na nami-misinterpret talaga. Ang nakikita kasi nila is ‘yung tuwing nasa loob kami ng court.”
“Hindi naman kasi kami nila nakikita o nakakusap nang personal.”

Huling lumaro ang 6-foot-4 forward nitong 2020 PBA Philippine Cuo bubble kung saan nag-average ito ng 13 points, 9.91 rebounds at 1.91 assists kada laro.

Inaasahang aaksyon muli ito sa paparating na 2021 PBA season ngayon taon at posibleng makasama na nila ang nagpapagaling na si June Mar Fajardo matapos ang tinamong injury sa right tibia. (Aivan Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.