Una sa Balita

Arwind humahabol sa mga ‘Hari ng Rebound’

0 290

BAGO ang Game 4 ng PBA Commissioner’s Cup Finals noong Linggo, abot-kamay na ni Arwind Santos ang isa pang milestone sa kanyang 13-year career.

Limang rebounds ang kulang ng Spider-Man para pantayan ang a­lamat na si Robert Jaworski sa seventh place ng all-time career rebounds ng locals.
Buong career mula 1975 hanggang mag-retiro noong 1998, nakapagbaba si Big J ng 5,367 caroms.

Matapos ang third quarter ng 106-101 win ng San Miguel Beer kontra TNT, may 4 rebounds na si Santos. Pagdating ng fourth, dalawang defensive boards ang ibinaba ni Santos.

Una pantabla kay Big J sa 6:46 minute mark, makalipas ang 2 minutes ay kinalawit ang pang-5,368th.

Nasa unahan ng listahan ng PBA all-time most rebounds ng locals sina Ramon Fernandez (8,652), Abet Guidaben (8,570), Jerry Codinera (7,034), active pa ring si Asi Taulava (6,381) ng NLEX, Alvin Patrimonio (6,152), at Philip Cezar (5,834). (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy