Una sa Balita

Arwind ‘dinaga’ kay Ang

0 367

KUMABOG ang dibdib ni Arwind Santos nang tawagin ang kanyang pangalan ni San Miguel Corp. boss Ramon S. Ang sa victory party ng Beermen Martes nang gabi.

Sa kanyang speech matapos itaas ng San Miguel Beer ang korona ng PBA Commissioner’s Cup, pinuri ni RSA ang paghingi ng sorry ni Arwind sa ‘monkey dance’ noong Game 5 kontra TNT KaTropa.

Tinamaan sa pangangantiyaw ni Santos si TNT import Terrence Jones,
pinulutan ng negatibong komento sa social media ang veteran forward.

“Mabuti ‘yung ginawa mo, nag-sorry ka sa kanilang lahat,” ani Ang.

Bunga ng insidente ay pinagmulta ng Commissioner’s Office si Santos ng P200,000 at pinagco-community service ng 100 hours.

Na-appreciate raw ni Santos na pinuri ng SMC big boss ang ginawa niya.
“Kasi akala ko, ang tatawagin ‘yung mga heroes namin gaya nila Terrence Romeo, sila Alex (Cabagnot), Christian (Standhardinger),” aniya.

Malaking bagay kay Santos na tinawag ang pa­ngalan niya.

“Sobrang taba ng puso ko, ng pakiramdam ko,” dagdag ng Spider-Man. “Feeling ko, ako ‘yung best player, ako ‘yung nagpanalo ng laro sa sinabi niya kanina.”

Ibinulsa rin ng Beermen ang titulo ng Philippine Cup, hahabulin nila ang korona ng Governors Cup para kumpletuhin ang grand slam ngayong 2019.

Siklab ang season-ending conference sa Sept. 20. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy