Una sa Balita

Arum nabahag kay Pacquiao, mga utang aaregluhin

By
0 1,287

ISANG Instagram post lang ang pinakawalan ni WBA welterweight champion Manny ‘The Pacman’ Pacquiao kay Top Rank CEO Bob Arum.

Tapos ang boksing!

Natakot si Arum na magkaroon ng legal­ woes kaya naman babayaran na umano niya ang ‘unpaid fees’ sa TV rights ng nagdaang laban ni Pacquiao kontra Lucas Matthysse nitong Hulyo.

“We read the Instagram post and [Top Rank attorney] Harrison [Whitman] handled it with Pacquiao’s attorney, and it looks like everything will be resolved,” sabi ng 86-an­yos na boxing promoter.

Pero depensa nito, wala sa kanila ang pagkukulang. Hindi umano pinirmahan at ibinalik sa kanila ni Pacquiao ang ‘right contract’ kaya nagkaroon ng aberya.

Kamakalawa ay nag-post sa Instagram si Pacquiao at nagbantang kakasuhan si Arum dahil hindi pa umano ibinibigay ang kanyang share sa TV deal ng kanyang laban kay Lucas.

Congratulations and good luck to @TRbo­xing and @ESPN on your 7-year partnership agreement. I know both of you have been very busy finalizing the deal. However, I have not received the US rights payment for my July 15 fight against Lucas Matthysse that was broadcast on ESPN plus. Therefore, I am initia­ting legal proceedings against Top Rank and all other parties based on the non-payment and attempt to restrict my future rights. Thank you,” post ni Pacquiao.