Una sa Balita

Arum muling nililigawan si Pacquiao

By
0 1,141

BUMIYAHE nitong Biyernes pa-GenSan si Top Rank CEO Bob Arum upang makipagnegosasyon kay WBA welterweight king Manny Pacquiao sa posibilidad na maisabak ito sa kanyang dalawang alaga – alinman kina WBO 147-pound ruler Terrence Crawford o WBA lightweight champion Vasyl Lomachenko.

Bukod kay Arum, balita ring nakikipag-usap na si Eddie Hearn, managing director ng Matchroom Sports, upang makipagtambalan sa MP Promotions ni Pacquiao sa mga susunod pa nitong laban.

Matatandaang kumalas na si Pacquiao kay sa Top Rank ni Arum matapos ang kabiguan kay Jeff Horn taong 2017.

“I, through MP Promotions, will be handling any and all negotiations for my next fight. Nobody is authorized to speak on my behalf. You know my number, call me,” sambit kamakailan sa social media ni Pacquiao, 39, galing sa 7th round TKO victory kontra Lucas Matthysse ng Argentina noong isang buwan sa Kuala Lumpur.

Bago ang biyahe sa GenSan, sinabi na ni Arum na nananatiling maganda ang relasyon nila ng da­ting alaga. Ang kanyang Top Rank ang nag-distri­bute ng laban ni Pacquiao kay Matthysse sa Amerika kaya umaasa itong magiging makabuluhan ang biyahe niya sa GenSan. ()