Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Artist viral sa painting gamit kape

0 298

Namangha ang mga netizen sa mga obra ng taga-Tarangnan, Samar na si Mark Noel Daras.

Ang mga viral painting kasi niya ay iginuhit gamit ang kape.

Kabilang sa mga obra niya ang coffee painting sa mga mukha nina Pangulong Rodrigo Duterte, Raffy Tulfo, Doc Willie Ong, Mother Teresa at maging ang Last Supper.

Sabi ni Daras, sa pamamagitan ng kanyang pagguhit ay naipapakita niya ang pasasalamat sa mga nabanggit na personalidad na lubos niyang hinangaan sa pagtulong at mga inambag sa lipunan lalo na ang Pangulo.

Blessing in disguise lang daw ang pagkatuto niya sa technique na paggamit ng kape sa painting dahil naubusan siya ng materyales noong quarantine. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.