Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Artist nagpabilib sa pagguhit gamit paa

0 83

Hinangaan ng mga netizen ang artist na si Bermin Rigor na sa kabila ng kapansanan ay naipakita pa rin ang talento sa pagguhit sa pamamagitan ng kanyang paa.

Kabilang sa mga portrait na nagawa ni Rigor ay ang mga kilalang personalidad tulad nina Willie Revillame, Manny Pacquaio at Catriona Gray. Binahagi niya sa social media ang kanyang paraan kung paano nabubuo ang kanyang obra.

Aniya, tumatanggap na rin siya ng commission para sa kanyang likhang sining.

SM food to go Banner Ad

Dahil din sa kanyang talento sa kabila ng kawalan ng mga kamay, nagawa ni Rigor na maging kalahok ng ‘Bangon Talentong Pinoy’ at pumasok pa sa top 5.

Buhos naman ang pagbati sa kanya ng mga netizen na na-inspire sa kanyang determinasyon.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.