Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Artist ala chameleon! Burnham Lake pininta sa mukha

0 129

Umani ng samu’t saring papuri ang isang 21-an­yos na camouflage artist nang una niyang ipinta ang bukid sa Brgy. Dampe, Floridablanca, Pampanga sa kanyang mukha.

Camouflage art ang tawag sa uri ng isang illusion na ginagamitan ng makeup at face paints. Nagiging canvas mismo ang artist dahil nagbe-blend siya sa mismong background.

Noong una, sinabi ni Goldie Yabes na wala talaga siyang balak magpinta pero nagulat siya sa ganda ng lugar sa nasabing bukid kaya ginawa niya itong eksperimento at ito ang kauna-unahan niyang naging obra.

Humanga ang mga TikTok user sa kanyang likha. Ilan lang ang Quirino Hill View, Burnham Lake at Bell Church sa mga tourist attraction sa Baguio City na naging inspirasyong obra ng camouflage artist.

Related Posts

Natutuwa si Goldie dahil sa pamamagitan ng kanyang talento, nakatutulong din siyang i-promote ang iba’t ibang magagandang tanawin sa Pilipinas na napuntahan na niya.

Ang kanyang gamit sa paglikha ng mga obra ay ang compact mirror, makeup at washable paints. Umaabot nang mula apat hanggang anim na oras bago matapos si Goldie sa kanyang art.

Plano ng Pinay na ikutin at gawan din ng camouflage art ang iba pang mga tourist attraction sa bansa. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.