Una sa Balita

Arroyo pinahirapan, pinerahan ang publiko sa SALN

By
0 718

Dagdag-pahirap sa publiko ang isinusulong na resolusyon sa Kamara para ma-access ang statement of assets, liabilities and networth (SALN) ng mga mambabatas.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo bilang pagkontra sa pahayag ni House Majority Leader Fredenil Castro na mas bibilis na ang pagkuha ng kopya ng kanilang SALN.

Sa ilalim ng bagong patakaran, kailangan munang aprobahan sa sesyon ng Kamara ang request sa kopya ng SALN.
Ang bawat kopya nito ay nagkakahalaga ng P300 kaya’t kung hihingin ang SALN ng 291 kongresista, kailangan pang magbayad ng P 87,300 ang gumawa ng request.

Ang paghihigpit sa SALN ay isinulong ni dating Pangulo at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at inaprobahan naman ng mga mi­yembro ng Kamara noong nakaraang linggo

Sinabi ni Panelo na hindi niya makuha ang lohika ni Castro dahil batay sa isinusulong na House resolution 2467, kailangan pang kunin ang pag-apruba ng mga kongresista sa plenary session bago makakuha ng kopya ng SALN.
Ayon kay Panelo, hindi niya alam kung paano iintindihin ang lohika ni Congressman Castro sa bagong panuntunan na pagkuha ng kopya ng SALN ng mga miyembro ng KAMARA.

“Sa akin ang tingin ko additional burden iyon, kasi you have to pass through pa all the members of congress,” ani Panelo.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More