Una sa Balita

Arron V. bigo, luhaan kina Dawn Chang, Jane de Leon

0 414

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyPahinga muna ang puso ni Arron Villaflor matapos magkasunod-sunod ang kanyang mga heartbreak mula sa mga babaeng taga-.

Una nga ay sa kasamahan niya sa Umagang Kayganda na si Dawn Chang. At ang ikalawa ay ang GirlTrend member na si Jane de Leon.

Inamin ni Arron na na-in love siya kay Dawn na co-host niya sa isang segment sa UK. ‘Baby Love’ ang naging tawagan nila dahil sa sobrang close nila bilang magkaibigan.

Abante Hiring – IT dep

Kaya lang nu’ng unti-unti na raw nahuhulog ang loob ni Arron kay Dawn, ang huli na mismo ang pumigil sa napipintong relasyon. Sabi nga sa amin ni Arron sa presscon ng ‘Goyo: Ang Batang Heneral’ sinabi mismo sa kanya ni Dawn na ‘chill’ lang muna sila at huwag padala sa kanilang mga damdamin.

Mahirap daw kasing pagsamahin ang love at work. Baka maapektuhan ang trabaho kapag nagkaroon sila ng issue, tampuhan o problema sa kanilang pagmamahalan.

Hindi rin umayon sa inaasahan ni Arron na pangmatagalang relasyon ang sa kanila ni Jane, na nauwi rin sa hiwalayan. Kaya nga inamin nitong ang madalas niyang biyahe na mag-isa sa mga isla sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ay isang paraan para gamutin niya ang kanyang puso at magnilay-nilay sa buhay.

Mas gusto pa raw ni Arron na i-explore at maglakwatsa sa iba’t ibang lugar kaysa mag-girlfriend. Ok na raw ngayon si Arron at nag-decide siyang huwag na munang pagtuunan ng pansin ang kanyang lovelife.

Isina-isantabi raw kasi niya ang trabaho na dapat ay binibigyan niya ng focus. Sa rami ng mga artista ngayon sa showbiz na mahuhusay sa acting, hindi raw siya dapat nagpapabaya.

Umaasang magkakaroon ng bagong teleserye si Arron ngayong showing na sa mga sinehan ang Goyo.

 

Barbie halatang inlove kay JM

May relasyon na ba sina JM De Guzman at Barbie Imperial, na parehong lead sa drama soap ng Kapamilya Network ang ‘Araw-Gabi’?

Nag-post si Barbie sa Instagram wall niya ng larawan ni JM na natutulog kasama ang isang malaking teddy bear. Sa kanyang caption, nagpahayag si Barbie ng kanyang nararamdaman sa aktor, at sa kanyang pasasalamat dito.

Hindi man direktang sinabi ni Barbie na may feelings siya sa leading man, pero maiisip ng sinumang makakabasa ng mensahe na parang meron na nga silang relasyon nito.

“Salamat dumating ka sa buhay ko. Maligayang kaa­rawan sayo, Juan Miguel,” sabi ni Barbie.
Siyanga pala, natuturong si JM daw ang dahilan ng break-up nina Barbie at Paul Salas.

 

Cherie Gil pinagtabuyan ng anak

Para sa kanyang anak, gagawa at gagawa ng paraan si Cherie Gil maiparamdam lang nito ang malaki niyang pagmamahal. Napuno ng mga touching message ang Instagram post ni Cherie nu’ng ibahagi niya sa mga netizen ang surprised visit na ginawa niya sa kanyang anak na si Bianca Rogoff sa Palawan.

Birthday ni Bianca kamakailan lang at sa Palawan niya pinalipas ang okasyon dahil nagsu-shooting siya ng international movie nya. Debut film ni Bianca bilang aktres ang project na ginagawa nito ngayon.

“There is no question when you get an opportunity even for a few hours free in between work to spend time with your daughter and surprise her.  ‘Tis I think is one of the happiest and best moments @clubagutaya @palawan #sensitiveandinlove #filminthemaking,” sabi ni Cherie.

Touching ang impact ng video sa mga nakapanood dahil makikita ang hindi makapaniwalang reaksyon ni Bianca pagbukas niya ng pinto ng kanyang room at nandoon ang kanyang ina na binabati sya nang happy birthday.

Hindi malaman nang dalaga kung ano ang gagawin nung makita ang mommy niya. Pinagsarhan muna niya ito ng pinto at itinaboy. Pero nang mahismasan, nagtatalon ito sa tuwa at saka niyakap nang mahigpit si Cherie.
Kitang-kita na tuwang-tuwa si Bianca sa pagdating ng ina at sinabi nitong masaya siya nu’ng makita ang mommy niya.