Una sa Balita

Arraignment, inisnab ni Leviste

By
0 39

Hindi malaman kung natrapik, pero hindi nakarating sa Sandiganba­yan para sa pagbabasa ng sakdal si dating Batangas Gov. Jose Antonio Leviste na nahaharap sa kasong pag­lustay sa pera ng bayan.

Dahil dito, kinansela ng Sandiganbayan Fifth Division ang dapat sana’y arraignment ni Leviste at muli itong itinakda sa Hunyo 6 matapos hilingin ni Atty. Dennis Manalo na bigyan ng isa pang pagkaka­taon ang kanyang kliyente.

Naunang dumating sa Sandingabayan si Atty. Manalo na ayon sa kanya ay pupunta o dadalo sa arraignment ang kanyang kliyente na manggagaling pa sa Lipa City, Batangas.

Gayunpaman, nagpasya ang Korte na kanselahin ang arraingment dahil alas-diyes na ay wala pa ang akusado subalit nagbabala si Associate Justice Ronald Jurado na hindi dapat ma-late ang dating gubernador sa susunod.

Tanging ang kapwa akusado ni Levista na si Philip John Moreno, dating Financial Planning and Control Division chief ng Philippine Retirement Authority (PRA) kung saan nagpasok ito ng not guilty plea.

Magugunita na kinasuhan kamakailan ng Office of the Ombudsman sina Leviste at Moreno matapos mabigo umano ito ma-liquidate ang hala­gang P151,385 noong 2003 kung saan hepe ng PRA ang dating gubernador.

Nabatid na ang nasabing halaga ay bahagi ng mga cash advances ni Levista sa kanyang mga biyahe sa labas ng bansa at sa kabilang notice na ibi­nigay dito ng Commission on Audit (COA) ay hindi umano pinansin kaya kinasuhan na ng Ombudsman sa Sandiganbayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy