Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Arquero hanep sa Rapid Chess

0 64

PINAGHARIAN ni Kevin Arquero ng Pasay City ang katatapos na Chess for Christ Rapid Chess Tournament na ginanap sa Pan de Amerikana Bakery & Restaurant sa Marikina City, Biyernes ng gabi.

Nakalikom si Arquero ng anim na puntos matapos talunin ang dating solo leader na si Christian Mark Daluz ng Bulan, Sorsogon sa seventh at final round, naakapagtala rin ng six points ang huli subalit nang ipatupad ang tiebreak points ay nahirang na kampeon ang una.

Pumangaalawa si Daluz habang tumersero si top seed GM Rogelio “Joey” Antonio.

Mga nakapasok sa top 10 sina Julius Gonzales, IM Angelo Young, Narciso Gumila, CM Genghis Imperial, NM Romeo Alcodia at NM Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. kung saan sina April Joy Ramos (Lady),  Antonella Berthe Racasa (Lady), Ruel Sto. Domingo (Marikina), Joey Villar (Media), John Marcus lomio (High School) at Gabriel Cayanan (Senior) ang mga category winner. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.