Una sa Balita

Arocha, Lady Chiefs pupukpok ng F4 slot

By
0 375

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
12:00 nn – AU vs EAC (Women)
2:00 pm – UPHSD vs MU (Women)

SA pangunguna ni reigning MVP Regine Arocha, tangka ng defending champion Arellano University na siguruhin ang pagsampa sa Final Four kaya nasa kukoteng kalusin ang Emilio Aguinaldo College ngayong araw sa 94th NCAA women’s volleyball tournament elims sa FilOil Flying V Center, San Juan City.

Malinis sa anim na panalo ang Lady Chiefs na sasandalan nang todo si Arocha upang manatili ang kapit sa top spot ng team standings sa 10 koponang liga.

Bukod kay Arocha, huhugot din ng lakas ang Legarda-based squad kina setter Sarah Princess Verutiao at Nicole Ebuen upang magtuloy-tuloy ang kanilang pamamayagpag.

Magsisimula sa alas-12:00 ng tanghali ang hatawan sa pagitan ng Arellano at wala pang panalo sa pitong salang, nangungulelat na EAC.

Samantala, bawal nang kumurap para sa University of Perpetual Help System Dalta, kailangan nilang ipanalo ang apat na natitirang laban upang makapasok sa semifinals.

Hawak ng Lady Altas ang 3-2 karta, nakapuwesto sa pang-anim, katapat sa alas-dos ng hapon ang laglag nang Mapua University na nasa ikawalo na may 1-5.

Parehong wala nang pag-asa sa susunod na phase ang Lady ­Generals at Lady Cardinals.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy