Una sa Balita

Arnell palalakasin ang IBC-13

0 339

Matagal nang inaasam ng mga fan na mapanood si Arnell Ignacio sa telebis­yon. Super aliw nga kasing TV host si Arnell, bukod pa sa mahusay kumanta­, at magpatawa.

Pero, dahil sa politika, pansa­mantala niyang iniwan ang pag-arte, pagkanta. At sure ako, masaya ang mga fan niya ngayon dahil heto nga at magbabalik telebisyon na siya.

Bibida nga ang komedyante sa bagong show ng IBC-13, ang “Arnelli­ In The Haus”.

Ang “Arnelli In The Haus” ay isang magazine show na magbibigay ng serbisyo at impormasyon tungkol sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Sa segment na “­Imbyerdegador” magsisilbing mediator si Arnell sa mga tao at ahensiya ng ­gobyerno, na solusyunan ang problema at hindi pagkakaintindihan.

Ang “Happy 2 Serb” ay success stories ng mga government program, “Like Mo Siya” – a feature on a government employee, and “Dear Mamser” – Arnell’s opinion and editorial on the issue.

Well bukod sa may natutunan na tayo, siguradong maaliw rin kayo sa sistema nag paghu-host ni Arnell, kaya tutok lang sa “Arnelli in the Haus” tuwing Huwebes (8:30 PM) simula sa August 22, sa IBC- 13.

(Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy