Una sa Balita

Arnell Ignacio sinita sa ‘drive thru’ sa Amerika

By
0 2,690

May kakaibang ‘drama’ raw ang aktres na ito kapag may karelasyon. Mahilig daw siyang magyaya na mag-drive thru.

Pero para mas sweet at kakaiba raw, nagpa-park muna sila at saka naglalakad sa drive thru at saka o-order ng pagkain.

Pero at least, dito sa atin sa Pilipinas ginagawa ‘yon ni aktres, dahil sa Amerika, bawal ‘yon, huh!

Noong minsang mag-show sa Amerika si Arnell Ignacio at ginutom siya at wala siyang makainan, may nakita siyang isang fastfood restaurant na bukas pa ang drive thru, kaya naglakad at um-order siya.

Pero pagdating niya sa cashier window at nakitang naglalakad lang siya, hindi ibinigay ang kanyang order dahil bawal daw ang hindi nakasakay sa sasakyan.

Hindi naman daw kasi walk thru ‘yon, kaya natawa na lang si Arnell, huh! ()