Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Arnel, Bamboo gumawa ng history sa Las Vegas

0 96

So, how’s your birthday (last Saturday), Dondon (my dear editor)?

Ang saya lang na naka-video chat kita that day habang super early dinner naman kami ni Ms. Pen de Leon-Manahan at ng mister niyang si Jerry Manahan.

Ang mag-asawa ang power behind Spotlight Media Entertainment na producer ng ‘First Light’ kick-off concert sa Las Vegas, Nevada.

Sold out nga ang tickets para sa concert na ‘yon nina Arnel Pineda at Bamboo sa Sam’s Town Hotel Casino.

Sobrang saya nina Ms. Pen at Kuya Jerry lalo na sa sinabi nina Arnel at Bamboo na ‘history’ na maituturing ‘yon dahil ang concert nilang ‘yon ang simula ng marami pa nilang shows around Amerika.

Obvious na sobrang saya rin nina Arnel at Bamboo sa suporta ng mga fan sa ‘First Light’ concert nila. Kundi nga lang may isa pang show the next day si Arnel, gusto sana niyang mag-stay at makipagtsikahan sa ilang mga bisita.

Si Bamboo naman, umakyat lang ng room niya at bumaba rin at pinuntahan ang grupo namin nina Ms. Pen, Kuya Jerry, Raymond Gutierrez, DJ Mo Twister, Angelicopter (Angelika Schemeing) at pamilya Manahan sa dressing room niya at nakipagtsikahan.

Actually, parehong nagulat sina Arnel at Bamboo dahil nanood sina Raymond, DJ Mo at Angelicopter.

Oo nga pala, first time ko na napanood sina Arnel at Bamboo at talagang ang galing-galing nila, huh!

Lalo tuloy ako nae-excite na panoorin naman sila sa San Jose Center for the Performing Arts sa San Jose, California on September 25 at sa October 1 sa Snoqualmie Casino sa Washington (sa may bandang Seattle).

Sa Wednesday, mapapanood ang coverage ko sa ‘Anything Goes’ show ng ‘First Light’ kick-off concert nina Arnel at Bamboo. Bale 2:00pm ‘yon sa Facebook page ng Abante News Online.

Aktor ‘di totoong nagtatago sa US

Mali ang akala ng iba na sobrang nag-e-enjoy sa Amerika ang isang hunk actor at hindi na babalik ng Philippines.

By the time na binabasa ninyo ito, naghahanda na si hunk actor sa flight niya pabalik ng bansa.

Actually, may pa-despedida pa nga raw kay aktor ang kanyang mga kaibigan.

At least, mapapatunayan ni hunk actor na hindi totoo ang hinala ng iba na ‘tinakasan’ niya ang mga issue sa kanya sa Philippines, huh!

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.