Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Arnel, Bamboo dinumog sa California

0 242

Bumabalik na talaga sa normal ang concert scene sa Amerika, huh!

Naku, Dondon (my dear editor), alam mo ba na nanonood ako ng ‘First Light’ concert nina Arnel Pineda at Bamboo sa San Jose Center for the Performing Arts sa San Jose, California habang ginagawa ko ang column item na ito at talaga namang nabibingi ako sa hiyawan at palakpakan ng mga fan na nanonood. Grabe nga ang saya lang.

Bale third show na nila ito sa US concert tour nila.

Nag-cover ako ng kick-off concert nila noong September 17 sa Sam’s Town Hotel Casino sa Las Vegas, Nevada at katulad doon, sobrang successful din ang San Jose concert nila.

Ang galing naman kasi talaga nina Arnel at Bamboo.

Sa October 1 naman, ang concert nina Arnel at Bamboo sa Snoqualmie Casino sa Snoqualmie, Washington ang iko-cover ko for Abante News Online.

‘Katuwa nga ang producers ng Las Vegas, San Jose at Snoqualmie concerts nina Arnel at Bamboo, si Ms. Pen de Leon-Manahan at mister niyang si Mr. Jerry Manahan ng Spotlight Media Entertainment dahil in-allow nila ako na mag-cover ng tatlong shows nila.

Nakakatuwa nga ang mag-asawa dahil sobrang maasikaso sila.

Very much appreciated nga nila ang pagpi-feature sa Abante at Abante News Online ng ‘First Light’ concert.

Alam mo ba, Dondon, sobrang masaya rin sina Ms. Pen at Kuya Jerry dahil nanood ng ‘First Light’ concert sa Las Vegas si Raymond Gutierrez.

Nagulat nga si Ate Pen dahil sobrang pinagkaguluhan doon si Raymond at maraming nakipagpa-picture.

Actually, si Raymond naman, sobrang tuwa rin na na nanood siya ng concert nina Arnel at Bamboo dahio napakagaling talaga ng dalawa.

“I enjoyed the show,” sey ni Raymond kina Ms. Pen at Kuya Jerry, na ikinatuwa ng mag-asawa.

Next year nga pala, mas marami pang ipo-produce na shows ang mag-asawa at ang kanilang Spotlight Media Entertainment, huh!

May shows din na kausap na nila ng direct ang management company ng ibang mga gusto nilang mag-perform.

So nice!

Anyway, dahil talaga namang maganda ang two shows nina Arnel at Bamboo na kinover namin, aba, mas nae-excite kami sa Snoqualmie concert nila, huh!

Sharon, Regine tuloy na US concert

Dahil hindi na nga papipigil pa ang concert scene sa Amerika, inaayos na rin ang ‘Iconic’ US tour nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid sa May at June next year.

Itutuloy na nga ang concert na ‘yon ng Megastar at Asia’s Songbird na napurnada last year dahil sa COVID-19 pandemic and the good news is, napakarami raw mga producer sa US ang gustong makakuha ng slot para sa concert na ‘yon nina Sharon at Regine.

Eh, sobra rin naman kasing nag-hit ang ‘Iconic’ concert nina Sharon at Regine na ginanap sa Araneta Coliseum noong October 18 and 19, 2019.

Ang ‘Iconic’ tour nga nina Sharon at Regine ang aabangan ng mga Pinoy fan sa US next year.

So nice. Ang bongga talaga, ‘di ba, Dondon?!

‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.