Una sa Balita

‘Army Worms’ patuloy na nameste sa sibuyasan

By
0 5

Ekta-ektaryang sibuyasan sa Nueva Ecija ang inatake ng army worms kaya nanawagan ang Office of the Provincial Agriculture (OPA) sa Department of Agriculture (DA) na saklolohan ang mga magsasaka sa pamemeste ng mga mapaminsalang uod.

Ayon kay Serafin Santos, hepe ng OPA, nagsagawa na sila ng preventive measure para hindi kapusin ang supply ng sibuyas kaya’t pansamantalang binuksan ang ‘stop gap measure’ sa pamamagitan ng importasyon ng sibuyas sa ibang bansa.

Setyembre 2016 pa umano namemeste ang mga army worms sa sibuyasan ayon sa ulat ng Bureau of Plant Industry (BPI) ng DA, at kasalukuyang nagtatanim ng sibuyas sa ngayon ang mga magsasaka kaya’t kailangang masolusyonan ito upang hindi mangyari ang pinangangambahang ‘shortage’ ng sibuyas sa merkado.

Pinabulaanan din ni Santos ang inilulutang na kontrobersiya ng mga onion traders ng Nueva Ecija na nagkakaroon ng hording para kontrolin ang supply and demand ng sibuyas.

“Hindi po totoong may hording. Talagang malaki ang epekto ng pesteng army worm sa ating mga sibuyasan. Now, as a preventive measure kaila­ngan nating masiguro na may supply pa rin ng sibuyas,” paliwanag ni Santos.