Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Army niratrat sa barracks

0 168

Patay ang isang miyembro ng Philippine Army matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin sa loob mismo ng kanyang barracks sa Tagkawayan, Quezon nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si PFC Richard Hubilla. Ayon sa pulisya, nasa loob ng barracks ang biktima dakong alas-12:30 ng hatinggabi nang pagbabarilin.

Nagtamo ito ng mga tama ng bala ng 9mm na baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nasawi bago pa man mairating sa Ma. L. Eleazar Memorial District Hospital sa nasabing bayan.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay PMAJ Milo Tabernilla, hepe ng Tagkawayan Police, meron na silang apat na person of interest sa kaso na anya ay mga kapwa sundalo rin sa nasabing kampo.

Batay sa mga inisyal na imbestigasyon, nagkainitan ang mga sundalo habang nag-iinom sa loob ng kampo.

Pinabulaanan din nito ang mga lumalabas na impormasyon na nagpakamatay umano ang biktima. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.