Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Army general patay sa COVID

0 24

PATAY ang isang Army general at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1989 dahil sa COVID-19.

Pumanaw kahapon ng umaga si BGen Bagnus Gaerlan, assistant commander ng 1st Infantry Division.

Ito ang kinumpirma ni Major General Ernesto Torres, Army chapter president ng PMA class 89.

“It is with deep sadness that we would like to inform the friends and relatives of our mistah, BGen Bagnus Gaerlan PMA 89, that he succumbed to the deadly COVID virus early this morning.”

Sinabi pa ni Torres na si Gaerlan ang ikaapat na ng miyembro ng kanilang class “drop their working tools” na nasawi sa COVID. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.