Army convoy binomba ng NPA, 17 sundalo nadale

By ,

ZAMBOANGA CITY — Napatay ang dalawang sundalo at sugatan ang 15 iba pa matapos pasabugan ng mga rebeldeng New People’s Army ang kanilang convoy sa Davao City.

Sinabi ni Army Major Ezra Balagtey, ang spokesman ng Eastern Mindanao Command, na naganap ang ambush sa Barangay Lamaman sa Calinan district nitong Huwebes ng hapon.

Nakaganti pa umano ang mga tropa at napaslang ang 2 rebelde. Inatake ng NPA ang convoy habang tinutugis ng mga sundalo ang isang grupo ng rebelde na sumunog sa isang pineapple harvester na pag-aari ng Del Monte Philippines, Inc. sa kalapit na Barangay Tawantawan.

“The encounter came after the NPAs detonated a landmine on a convoy of troops who are pursuing armed men who burned one pineapple harvester owned by Del Monte in Tawantawan, Calinan district,” pahayag pa ni Balagtey sa Abante. “Fifteen soldiers were wounded and two other soldiers killed as a result of the landmine explosion, while two NPAs were killed in the fire fight.”

Idinagdag pa ni Balagtey na nabawi ng mga sundalo ang dalawang armas at dalawang bomba matapos ang sagupaan.

Inatake rin ng mga rebelde ang isang outpost ng military sa Paquibato District, halos 33 kilometro lamang ang layo mula sa Calinan. Isang rebelde rin ang nasawi doon matapos na lumaban ang mga sundalo at militia.

SHARE