Una sa Balita

Armida Siguion-Reyna pumanaw na

0 607

PUMANAW na kahapon ang sikat na mang-aawit, aktres at producer na si Armida Ponce Enrile Siguion-Reyna sa edad na 88.

Siya ay ipinanganak noong Nobyembre 4, 1930 sa Malabon.

Ayon sa mga report, si Armida, na kilala sa tawag na ‘Tita Midz’ ay naging malulungkutin simula nang mamayapa ang abogadong asawa nitong si Leonardo Tiongson Siguion-Reyna noong 2010.
Siya ay may sakit na Alzheimers.­

Unang nakilala si Armida sa kanyang sikat na palabas na ‘Aawitan Kita’ na namayagpag noong dekada 70.

Sinubukan niya ang pelikula at dito rin ay siya nakilala bilang isa sa mga magagaling na suportang aktres at nagkamit na rin ng ilang gawad parangal sa iba’t ibang akademya.

Siya ay half sister ni Juan Ponce Enrile na naging senador sa Pilipinas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy