Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Arjo ‘tumino’ kay Maine

0 221

Maging si Enchong Dee na matagal na ngang kaibigan ni Arjo Atayde o ng pamilya Atayde ay napansin din pala ang pagma-mature ni Arjo nang ma-in-love ito kay Maine Mendoza.

“The most matured Arjo I’ve ever seen,” ang sabi ni Enchong nang interbyuhin niya sa kanyang vlog si Arjo.

Kung may nabago nga raw kay Arjo kasi nang ma-in-love siya kay Maine, ito ay ang maturity niya. Biglang alam na raw niyang kung ano ang mga gusto niyang mangyari sa buhay niya.

“All of a sudden, you just really know what you want in life. You know who you want to be with. You just know. It’s something slow-mo but it’s something so real.

“I guess, when you’re in-love, you’re inspired, number one and be a better a person, not trying to be, just be who you are.”

After nga ng halos dalawang taon, napaka-open na ngayon nina Arjo at Maine sa kanilang relasyon. Kahit na napakaraming tutol dito noong umpisa at hanggang ngayon, meron pa rin nagagalit na mga fan, lalo na ng ibang AlDub fans, napapangatawan ni Maine na hindi siya magpapadala sa gusto ng iba, but instead kung ano ang makakapagpasaya sa kanya ang gagawin niya.

Parang nasala rin naman ni Maine ang talagang mga tagahanga niya. Marami pa rin ang nag-stick sa kanya at kahit nga hindi possible ang face-to-face, ang dami pa rin nilang nag-participate sa surprise virtual celebration para sa kanyang 26th birthday.

It means, ito yung mga fan na tanggap si Maine kahit na hindi si Alden Richards ang real-life boyfriend niya kung hindi si Arjo nga.

Gimikerang batang aktres banned sa florist, cake shop

SM food to go Banner Ad

Bukod sa kakilala namin na nag-react sa naging social media posting ng isang young star sa diumano’y nagpadala sa kanya ng mga flower, cake, may iba pa palang ini-ex-deal ni young star na naloka rin sa ginawa raw sa kanya.

Katulad din ng source namin, hindi rin tinupad ni young actress ang pangako niya sa personal niyang mga kinontak na florist at cake shop ng kasunduan nila kung paano ipo-post ang mga pinakiusap niyang ex-deal.

Mukhang ang pagkakaintindi ng mga minessage niya para padalhan siya ng mga flower, cake for her birthday at may specific na date pa itong binigay kung kailan ide-deliver sa kanya, hindi yung post na sama-sama.

Kung ikaw nga naman ang florist at cake shop, since ex-deal o collab ang usapan niyo, gusto mong mabigyan ng space ang produkto mo na kapag nakita ng netizens, alam na ito ang produkto at alam ng magkaka-interes kung paano sila kokontakin.

Eh, kaso, may plano nga kasing gimmick si young actress na siya ay naalala ng lahat at pinadalhdan siya sa kanyang kaarawan, huh!

Sabi ng isa pang insider na may contact naman sa isa sa mga bake shop na minessage ni young actress, imbyerna raw ang kakilala niya kaya napa-message sa kanya. Sey pa, hindi na raw makakaulit pa si young actress sa kanya.

Naku, talented pa naman si young actress kaya sana ay turuan ng management niya si young actress at pagsabihan sa “sariling sikap” nito para makagawa ng ingay o gimmick. Ang bilis mag-boomerang kay young actress nang naging pagpapanggap niya.

Mainit pa naman ang mga tao sa fake news ngayon. Mas lalo na kapag alam nilang fake rin ang mga ganap at ipinapakita ng isang artista.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.