Una sa Balita

Arjo super bantay sa taping ni Maine

0 430

Kung pagbabasehan naman ang mga actions, pagiging visible nina Maine Mendoza at Arjo Atayde, aba e, wala naman na silang effort na itago kung anuman ang meron sa kanilang dalawa o espesyal na relas­yon meron sila.

Tulad na lang ng latest pictures na lumabas na obviously, hanggang taping ng sitcom ni Maine na “Daddy’s Gurl” ay dumadalaw si Arjo. Partida kung GMA man ito at isang Kapamilya si Arjo. Basta sa ngalan ng pag-ibig, walang network-network, ‘di ba?

Nakakaaliw lang talaga ang mga comment basta may luma­labas na pictures na magkasama ang dalawa.

Tulad na lang nga ng kuha sa “Daddy’s Gurl” kunsaan, kasama nila ang ibang staff at cast.

Again, may nag-comment na naman na “Fake!” at “photoshopped” lang daw ang picture ni Arjo. Kesyo halatang-halata raw na inilagay lang ang mukha nito, huh!

‘Yung isang comment, ang sabi naman, “Paano kaya na-edit yun?”
Nakakaloka! Until now, meron pa rin pala talagang bulag, pipi at bingi sa relasyon na meron si Maine with Arjo.

Sa totoo lang, hindi tuloy namin alam kung ano ang magi­ging pakiramdam sa ilang fans na kung tawagin ng iba ay “delulu”.

Kung matatawa o maaawa na lang na hanggang ngayon, marami pa rin pala ang hindi tanggap at hindi naniniwala sa kung ano ang namamagitan kina Maine at Arjo. (Rose Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy