Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Arjo sasapakin ni Sylvia ‘pag nagnakaw

0 379

Sunud-sunod ang pagpa-file ng COC (certificate of candidacy) ng mga personalidad ngayong Oct. 8, huling araw na tinakda ng Comelec.

At yes, isa nga si Arjo Atayde sa nag-file ng kandidatura niya. Tatakbo nga siyang kongresista ng unang distrito ng Quezon City.

Nakakagulat lang na independent candidate pala siya, dahil ang alam ko, bago pa man ang mga kaganapan ngayon, madalas niyang nakakasama si Mayor Joy Belmonte.

May mga eksena pa nga na nag-donate siya ng mga service vehicle sa Q.C. government at si Mayor Joy mismo ang tumanggap ng mga ito. Kaya ang akala ko talaga ay sa partido ni Mayor Joy siya kakandidato.

Anyway, ngayon pa lang ay nangangako na si Arjo na hinding-hindi siya magnanakaw sa kaban ng bayan.

“Pagsisilbihan ko ng tapat ang District 1 ng Q.C. Hindi ko lolokohin ang mga kababayan natin at hindi ako magnanakaw!” mariing sabi ni Arjo.

Well, nagbanta naman ang nanay niyang si Sylvia Sanchez, na kapag nagkamali, o lumihis ng landas si Arjo, siya na ang kusang puputol sa sungay nito.

“Suportado kita anak. Kung papalarin ka kang manalo, magsilbi ka ng tapat at totoo. At ‘wag na ‘wag kang manloloko o magnanakaw dahil pag ginawa mo ‘yun ako mismo ang kakastigo sa iyo!” sabi ng mahusay na aktres.

“Sasapakin ko si Arjo pag nangurakot!” dugtong pa ni Sylvia, na sa pagkakakilala ko, gagawin talaga niya `yan, kahit sa anak pa niya.

Anyway, ang edukasyon, pangkalusugan, trabaho, pagtulong sa mga frontliner ang pangunahing gustong tugunan ni Arjo. Gagawa ng batas para makatulong sa kanila.

At siyempre, mag-iisip o gagawa siya ng paraan para masolusyunan ang matinding baha sa West Riverside.

Bongga! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.