Una sa Balita

Arjo pinakagwapo para kay Maine

0 1,016

Bibihira ngang pagkakataon na mag-guest ang isang Maine Mendoza sa rival network nitong ABS-CBN. Pero nagawa niyang libutin ang ilang Kapamilya shows para sa promosyon ng upcoming movie nila ni Carlo Aquino.

Trending nga ang guesting ng mga bida sa “Isa Pa, With Feelings” sa “Tonight With Boy Abunda” last Monday night. Siyempre pa, hindi pinalampas ni Tito Boy kung ano ang real score sa pagitan nina Maine at Arjo Atayde.

Inamin naman ni Maine na malaking bahagi ng kanyang kasiyahan ngayon si Arjo.

Matapos nito ay sumalang rin siyempre ang aktres sa “Fast Talk” ni Tito Boy.

Tito Boy: “Last night of the world, Arjo proposes to you. Ano isasagot mo?

Maine: “Yes.”

Tito Boy: “Sino ang pinaka-gwapo – Carlo, Alden or Arjo?”

Maine: “Arjo.”

Tito Boy: “Sexiest part of Arjo’s body?”

Maine: “Many to mention!”

Sobrang nag-enjoy nga si Menggay sa guesting niyang ‘yon sa show ni Tito Boy at aniya’y surreal ang feeling niya about it.

Kinabukasan, Martes, sa “Magandang Buhay” naman sumalang si Maine. Dito’y mas lalong luminaw ang tunay na namamagitan sa kanila ni Arjo. Mahiyain umano siya sa ibang tao pero mas bukas na siya pagdating kay Arjo dahil tinanggap siya nito nang buong-buo.

“Wala na rin akong hiya kasi siguro, tanggap niya ako kung ano ako. He accepts me for who I am and for who I am not. So ang laking bagay noon. Para gawin niya ‘yon parang mawawala na rin ako ng hiya sa kanya para i-express kung ano ako,” ani Maine.

“Kahit sa pamilya niya as in hindi ko pa rin kaya. Sinasabi ko sa kanya, ‘uy kung ipapakilala mo ako sa relatives mo isa-isa lang kasi hindi ko kaya kapag binigla mo ako.’ As in baka magkaroon sila ng impression sa akin,” ani Maine. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy