Una sa Balita

Arjo, Paulo, JC inakit ang mga babae sa GenSan

0 221

Naglaan ng oras ang mga bituin mula sa hit seryeng “The General’s Daughter” para makipag-bonding kasama ang mga Kapamilya sa General Santos sa taunang Tuna Festival ng siyudad.

Nagpatili sa higit 2,000 Kapamilya sa KCC Mall Events Center ang love team nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, habang naghatid naman ng saya ang guwapong tandem nina Arjo Atayde at JC De Vera sa kanilang inihandog na harana.

Umapaw din ang kilig sa GenSan dahil sa nakakaakit na performance ni Kapamilya heartthrob Paulo Avelino. Kahit hindi nakadalo sa Kapamilya Karavan ang bida ng “The General’s Daughter” na si Angel Locsin dahil sa isang karamdaman, nagalak pa rin ang mga Kapamilya sa GenSan dahil tumawag ang aktres sa kasagsagan ng programa at nangakong bibisita sa Tuna Capital ng bansa.

Bukod dito, naaliw din ang mga Kapamilya dahil sa mga inihandang palaro at naging masigla rin ang selebrasyon dahil sa bibong hosts ng ABS-CBN “Magandang Umaga South Central Mindanao” na sina Dyll at Joey C, at ang MOR DJs na sina Justine at Betina.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy