Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Arjo manok ni Joy sa distrito uno

0 125

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagpapakilala ng kanyang mga manok na konsehal para sa Distrito Uno at ang kanyang kandidato para congressman ang aktor na si Arjo Atayde, sa pormal na pagpiprisenta ng mga kandidato ng kanyang lokal na partido, ang Serbisyo Sa Bayan Party (SBP) nitong Sabado sa Gazebo Royale sa may Visayas Avenue.

Tumatakbo bilang re-electionist na SBP mayoral candidate, sinabi ni Belmonte na kailangan niya ang mahuhusay na mga makakatambal sa pagbibigay ng serbisyo publiko at kilala ng mga taga-QC ang kanyang line-up na mga batikang “public servants.”

Ang mga kandidatong konsehal sa District 1 ay kinabibilangan ng mga re-electionist gaya ni Konsehal Alex Bernard Herrera; Dorothy ” Dra. Doray” Delarmente; Tany Joe “TJ” Calalay; Joseph Juico; Oliviere “Olie” Belmonte at Charm Ferrer. Sa pagkakongresista, ang kandidato ni Belmonte ay ang ‘award winning’ actor na si Arjo Atayde, Juan Carlos Campo Atayde sa tunay na buhay.

Ipinangako ng mayora na kasama ang kanyang team sa District 1 na magtutuloy ng mga kapaki-pakinabang na mga programa di lamang sa unang distrito kundi para sa lahat ng taga-Kyusi.

“Ako’y nagagalak na makasama ang mga maaasahan, mga dedikado sa tungkulin at mga taong nagpapahalaga sa kanilang mga kapwa,” ang pahayag ni Belmonte.

Si Atayde na bago lamang sasabak sa politika ay nagsabi namang siya mismo ang nag-alay ng kanyang sarili kay Belmonte upang makatulong at makapaglingkod pa sa mga taga-distrito uno ng lungsod.

Leave A Reply

Your email address will not be published.