Una sa Balita

Arjo gustong layasan ang showbiz

0 917

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyGinusto ni Arjo Atayde na iwanan ang showbiz, na taliwas sa kanyang mga naunang interview na gusto ni­yang tumagal sa industriyang ito. Sinabi mismo ni Arjo ang tungkol dito sa Instagram pos­ting niya ng kanyang larawan in blue color.

Nagbago lang ang isip niyang mag-quit sa pag-aartista nang ma-realize niyang…

“When I find myself wanting to quit, I look back and ask myself why I started in the first place…that reason reminds that I should stay.”

Hindi na sinabi pa ni Arjo sa message ang dahilan kung bakit ginusto niyang mag-quit sa showbiz. Maaaring may kinalaman sa panggu­gulo sa kanya ng ilang mga nagpapanggap na AlDub Nation, o ng mga supporter ng tandem nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Matatandaang kinuyog si Arjo at ang pamilya nito kabilang na ang ina niyang si Sylvia Sanchez, ang kapa­tid na si Ria Atayde, ang ama nitong si Art, ng mga avid fan nina Maine at Alden.

Tinutulan nila ang pagkaka­mabutihan ng kanilang idolo at ni Arjo.

Iniyakan ni Sylvia ang mga death threat na natatanggap ng buo niyang pamilya na sinasabing “papatayin” nila si Arjo.

Anyways, nagbigay naman ng moral support ang mga kaibigan sa industry ni Arjo at sinabing huwag mag-quit sa showbiz.

Loisa, Ronnie planong saktan, wasakin

Kumakapit sa pagmamahalan nila ni Ronnie Alonte si Loisa Andalio. Nag-post si Loisa ng photo nila ni Ronnie na nakayakap sa kanya ang huli at hinahalikan siya sa pisngi.

Sa caption, nagpahayag si Loisa ng malaki niyang pagmamahal sa aktor at sa pagnanais niyang mapanatiling matatag ang kanilang relasyon.

May mga gusto raw wasakin ang kanilang samahan at saktan silang dalawa ni Ronnie, ayon pa rin kay Loisa.

“May mga taong gusto tayong sirain at saktan, wag na wag tayong papaapekto. Kung sino ang laging binababa ng kapwa siya ang itinataas ng Diyos,” sabi ni Loisa.
Mahal na mahal talaga ni Loisa si Ronnie at hindi niya papayagang mawalay ito sa kanyang piling.

Isa ang kaibigang si Bianca Umali na nagpakita ng support kay Loisa, sa comment nitong pulang heart icon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy