Una sa Balita

Horoscope 08/29/2018

0 167

ARIES (March 21-April 19) – Magpakatotoo sa sarili. Alam mong tama ka pero kaliwa’t kanan ang oposisyon. ‘Wag magpa-pressure kung alam mong nasa panig ka ng katotohanan. Lucky number for today: 15.

TAURUS (April 20-May 20) – Pakinggan ang sinasabi ng iba kahit hindi ka agad umaayon sa kanila. Kailangan mong ikonsidera ang kanilang pananaw at timbangin kung dapat silang sundin. Piliin kung alin ang higit na magbibigay ng benepisyo. Lucky number for today: 21.

GEMINI (May 21-June 20) – Anumang sikretong ibahagi sa iyo ay ituring na mahigpit na lihim. Maaari kang maipit sa hindi magandang sitwasyon kung ibabahagi mo ito sa iba. Lucky number for today: 30.

CANCER (June 21-July 22) – Isang sitwasyon ngayon ang magkakaroon ng malaking impact sa buhay mo. ‘Wag kakalimutan ang leksyong iiwan nito na magagamit mo sa malapit na hinaharap. Lucky number for today: 28.

LEO (July 23-August 22) – Isang impormasyon ang kailangang suriing mabuti. Huwag agad kumagat sa mga inilalapit sa iyo. Posibleng may ibang motibo ang taong kaharap mo. Lucky number for today: 13.

VIRGO (August 23-September 22) – Gustuhin mo mang tulungan ang lahat ng tao sa paligid mo, may taong sadyang ayaw magpaabot. ‘Wag na munang magpumilit. Sa halip, bigyan siya ng espasyo. Lucky number for today: 5.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Nasa mood ka para makisalamuha sa mas maraming tao. Pero bago tuluyang pata­ngay sa distraksyon, tapusin muna ang isang obligasyon na matagal nang naghihintay ng iyong aksyon. Lucky number for today: 10.

SCORPIO (October 23-November 21) – Mas magiging mabilis ngayon ang takbo ng mga pangyayari. Kailangan mong mag-adjust kung ayaw mong mapag-iwanan. Lucky number for today: 15.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi ka mauubusan ngayon ng ideya. Marami ang nagugulat sa bilis mong mag-isip. Sa aspeto ng pakikipagrelasyon, isang kapamilya ang mangangailangan ng iyong atensyon. Lucky number for today: 20.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mas may panahon ka ngayong makisali sa iba’t ibang aktibidad ng iyong mga kaibigan. Magrelaks at hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang magseryoso. Lucky number for today: 35.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kahit marami kang blessings sa buhay, meron ka pa ring nararamdamang kakulangan. Sa gitna ng nagaganap sa kasalukuyan, mas pag-ukulan ng pansin ang malayong hinaharap. Lucky number for today: 29.

PISCES (February 19-March 20) – Sapat ang iyong kakayahan at kaalaman para ibahagi sa ibang tao. ‘Wag ipagdamot ang iyong kaalaman, marami kang matutulungan. Lucky number for today: 6.