Una sa Balita

Ariella never naging kabit

0 396

Si Ariella Arida ang gumaganap na kabit ni Jinggoy Estrada sa “Coming Home” movie ng actor/politician kung saan misis naman nito si Sylvia Sanchez.

First movie ni Ariella ang “Coming Home” at inusisa ko siya noong isang araw kung naranasan na ba niyang ligawan o kung may mga “lumandi” na ba sa kanya na married guy?

Matagal bago nakasagot si Ariella at sinabing, “Sorry, Sir Jun (ganoon siya karespeto), hindi ako naka-reply kaagad. Inalala ko po kasi talaga if I’ve encountered someone na married and nag-try manligaw sa akin and I would say na wala pa naman po. Wala akong ganoong experience, kahit ‘yung lumandi lang sa akin!”

So, paano ang magiging atake niya sa role bilang isang kabit?

“I used to watch mga ‘other woman’ movies that I think can help me. Panonoorin ko nga po uli ang mga pelikulang ‘yon, para mas may idea ako.

“Also, characterization will help. Kung saan po ‘yung pinanggagalingan niya and it all comes from ‘love’. I know naman na lahat tayo knows how to fall in love… how to be madly in love, na sometimes even if it’s wrong, just because we follow our heart, we do everything for love,” paliwanag niya.

First movie nga ni Ariella ang “Coming Home” at kahit manager niya si Arnold Vegafria na line producer ng pelikulang ‘yon ay dumaan pa rin daw siya sa audition at nakapasa nga raw siya, kaya napasama siya sa pelikula.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More