Una sa Balita

Ariella game sa lampungan kay Jinggoy

0 506

Si Ariela Arida nga ang gaganap na kabit ni Sen. Jinggoy Estrada sa pelikulang “Coming Home”. At yes, nag-audition daw si Ara para maging kabit ni Jinggoy.

“Naghanap kami, nagpa-audition si Direk Adolf Alix, at napunta kay Ara ang role.

“Pinag-usapan ng creative kung sino ‘yon. Gusto nila ng beauty queen. ‘Yung iba masyadong batang-bata, kasi ang role ni Ara, dapat parang medyo ano na, so pasok sa requirements ng role,” kuwento ni Arnold Vegafria, ang isa sa mga prodyuser ng pelikulang “Coming Home”.

Tuwang-tuwa naman si Ariella na sa kanya napunta ang role.

“Thankful. Nagkataon na ako ang napili, at hindi ko akalain na magkakaroon ako ng project na ganito.

“Thank you so much, dahil nakapasa ako sa taste ni Sen. Jinggoy. I’ll do my best. Maraming salamat,” sabi ni Ariela.

Handa ba siya sa kissing scene kay Jinggoy?

“Love scene nga, eh. Hahahahaha!” tawang-tawa na sagot ni Ariella.

“Direk Adolf. Hahahaha!” hirit ni Jinggoy kay Direk Adolf.

“Habaan ang take ha,” nagpapatawang saad pa ulit ni Jinggoy.

Pero, ready nga ba si Ariella sa lampungan kay Jinggoy?

“Meron daw po, pero I guess part talaga ito ng movie. Kung maayos ang tema, kung ano ang sabihin ni Direk Adolf, gagawin ko lang,” sey lang ni Ariella. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More