Una sa Balita

Ariella aariba sa pagpapaseksi

0 1,203

Ni: Jun Lalin

Isa si Ariella Arida sa mga naging beauty queen turned showbiz personality na bagay na bagay sa mundong ito!

Kung gaano kasi kaganda ang former Binibining Pilipinas-Universe 2013 at 3rd runner-up sa Miss Universe 2013, ganoon din kaganda ang PR niya.

Ang bait nga nitong si Ariella dahil isang sabi ko lang sa kanya na mag-guest naman sa aking “Anything Goes” online show sa Facebook page ng Abante News Online, “YES” kaagad ang sagot niya at bago ko pa natawagan ang handler niyang si Paulo Omalin, sinabihan na niya ito na huwag tanggihan ang guesting na ‘yon.

Sila na rin ang nagpaalam sa manager niyang si Arnold Vegafria para roon.
Anyway, kahit madalas sabihin ni Ariella na hindi siya nakakapagsa­lita ng fluent ng English, graduate naman siya sa UP Los Baños.

Bago pa niya pinasok ang mundo ng beauty contest, nagtapos na muna siya ng BS in Chemistry. Pero palagi nga niyang inuulit na kung siya talaga ang nasunod noong sumali siya sa Miss Universe 2013, mas ginusto sana niya ang magkaroon ng interpreter.

“Pero ang Binibining Pilipinas Charities pa rin naman ang nasusunod tungkol sa bagay na ‘yon,” sabi ni Ariella.

Sa tingin nga raw niya ay mas nakatulong sana kung may interpreter nga siya para mas bongga pa sana ang sagot niya that time, pero masaya rin naman daw siya sa naging sagot niya sa question & answer segment ng Miss Universe 2013 beauty pageant.

“Sa akin walang problema,” naman ang sagot ni Ariella kung dapat na bang payagan na magkaroon ng interpreter ang ilang beauty­ contestants na magre-represent sa ating bansa sa ilang ­international beauty pageant.

“Ang sarap din na Tagalog ‘yung naririnig ng ibang mga bansa mula sa mga beauty contestant natin,” sabi pa niya.

Pero sinabi rin niya na malaki ang utang na loob niya sa ­pagiging isang beauty queen dahil ‘yon nga ang nagbigay ng chance sa ­kanya para maging isang showbiz personality.

Anyway, pinaghahandaan ni Ariella ang pelikulang gagawin niya. Medyo sexy raw ‘yon, kaya nagda-diet and exercise si ­Ariella para mas sexy pa siya kapag nagsimula na ang shooting.

Relasyon kay Willie pinagdudahan ng mga kaibigan

Hindi rin makakalimutan ni Ariella ang halos dalawang taon na pagiging co-host niya sa “Wowowin” ni Willie Revillame. Forever daw ang utang na loob na ‘yon at tinatandaan daw niya ang break na ibinigay sa kanya ng TV host/producer.

“Malaki ‘yung utang na loob ko kay Kuya Willie dahil sa break na ‘yon,” sabi niya.

Mas tinatandaan nga raw niya ‘yon kesa sa pagtanggal sa kanya ni Willie bilang co-host doon.

Ang isa pang maganda raw kay Willie ay ang pagiging sobrang professional nito.

“Mahalaga sa kanya ‘yung oras. Na dapat palaging on time ka,” sabi pa ni Ariella na inuulit-ulit na never siyang niligawan ng TV host/producer kahit madalas na ‘yon ang maging duda ng mga tao tungkol dito at sa mga nagiging co-host sa mga show nito.

Pero inamin ni Ariella na kahit ‘yung mga ka-close na niya ay nagduda rin daw.

“Sabi ko sa kanila, kilala naman ninyo ako, sasabihin ko naman kung totoong may something, pero hindi talaga,” sabi pa niya tungkol sa naging samahan nila ni Willie na naging generous daw sa kanya pati sa iba niyang mga nakasama sa “Wowowin”.

Relihiyon ugat ng hiwalayan kay Ervic?

Nilinaw rin ni Ariella na hindi naman talaga ang magkaibang religion nila ni Ervic Vijandre ang naging dahilan kaya nauwi sa wala ang kanilang relasyon.

Puwedeng isa raw ‘yon sa maraming factors dahil Iglesia Ni Cristo siya at Catho­lic naman si Ervic, pero hindi naman ‘yon ang main reason.

Hindi rin daw siya umasa na magpapa-convert sa INC si Ervic noong may relasyon pa silang dalawa.

“Pareho rin kasi kaming busy,” sabi ni Ariella.

Hindi rin daw totoong kaya sila naghiwalay ay dahil hindi nagpunta si Ervic sa Russia para suportahan siya noong Miss Universe 2013 beauty pageant kaya nadismaya siya rito.

“Ang alam ko, gusto talaga niyang manood,” pero hindi nga raw niya alam kung bakit hindi natuloy ang pagpunta roon ni Ervic.

At ikinuwento nga ni ­Ariella na that time ay nagde-date pa lang talaga sila ni Ervic.

“After pa ng Miss Universe 2013 saka naging kami,” dagdag pa ni Ariella.

Tsinugi sa Zanjoe-Angelica serye

Nang mag-guest na nga si Ariella sa “Anything Goes” ay napag-usapan namin kung bakit nawala ang character na ginagampanan niya sa “Playhouse”, ang mor­ning series ng ABS-CBN bago mag-“It’s Showtime”.

“‘Yung character ko kasi, kunwari nag-abroad, pero tatawagan naman daw kami kung babalik na ako sa series,” sabi niya.

Nang mag-update ako sa kanyang handler, sinabi ni Paulo na hindi pa rin nakakabalik sa “Playhouse” si Ariella, pero ayon naman sa dalaga, masaya siya sa stint niya sa morning romantic-co­medy series na ‘yon dahil masayang kasama sina Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban at iba pa.
Attachments area

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy