Una sa Balita

Aribado eksit din ura-urada sa Sarnia

By
0 66

GAYA sa US$22,000 2018 Goodlife Squash Open/JC Women’s Professional Squash Association Open sa GoodLife Queensview Club sa Ottawa noong Nobyembre 1-4, nasipa rin agad si Jemyca Aribado sa ika-2 niyang Professional Squash Association Tour sa Canada.

Yumukod sa second round match ang unang Pinoy na nagbigay sa bansa ng titulo sa PSA World Tour noong Hunyo nang pamayagpagan ang SquashGym International Classic sa Palmerston North, New Zealand, kontra kay Diana Garcia ng Mexico nitong Martes, 1-3- (11-13, 4-11, 12-10, 9-11).

Bye si Aribado sa opening noong Lunes ng 6 na araw (Nob. 12-17) na Alliance Fabricating Ltd. Simon Warder Memorial Prostate Cancer Open 2018 sa Sarnia. At ang pagkatalo’y nagpa-eksit na sa Pinay squasher sa Round-of-16.

Ang mga torneo’y nagsisilbing preparasyon ng 25-year-old, 5-foot-2 single mom na residente ng Taguig City para sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa Pinas.