Una sa Balita

Ariana Grande kinasuhan sa Instagram photo

0 238

Nademanda ang singer na si Ariana Grande dahil sa pag-post nito ng sarili niyang image sa Instagram. Ayon sa court documents na nakuha ng E! News, dinemanda si Ariana ng professional photographer na si Robert Barbera dahil sa copyright infringement.

According to Robert, Ariana post photographs on her Instagram page na siya ang kumuha na hindi man lang siya binigyan ng credit. Wala raw permission si Grande mula sa kanya para ma-publish nito ang kanyang photographs.

“The plaintiff is looking for monetary relief from the copyright infringement, attorney fees and costs, falsifying copyright management, statutory damages up to $25,000 for each violation and punitive damages,” ayon pa sa report.

Deleted na ang naturang photo sa IG account ni Ariana kung saan suot niya ay white oversize sweater, white knee-high boots at may bitbit ito na see-through bag with the word “Sweetener.”

Unang pinost ng singer ang photo noong August 2018 at nilagyan niya ng caption na “Happy Sweetener Day.” More than 3 million likes ang nakuha ng naturang post.

May 154 million followers sa IG si Ariana. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy