Una sa Balita

Ari-arian ni Mother Lily sa Taal apektado ng pagsabog

0 351

Alam mo, Dondon, mabuti na lang pala at nag-“yes” si Roselle Monteverde sa nanay niyang si Mother Lily Monteverde nang magpasama ang Regal Entertainment, Inc. matriarch sa Podium mall noong Sunday or else, nagpunta siya sa property niya sa Taal, Batangas.

Tuwing weekend ay mahilig kasi si Mother Lily na pumunta roon lalo na kapag wala siyang magawa.

“Sabi ko kay Tata (her driver), pupunta kami ng Taal. Pero tinawagan ko nga si Roselle, I asked her kung sasamahan niya ako dito sa Podium, nag-yes naman. Usually, kapag ini-invite ko si Roselle ng Sunday, palagi niyang sinasabi na magre-rest na lang siya, pero kanina, nag-yes siya sa akin, kaya nagpunta kami dito,” sabi ni Mother Lily nang maka-dinner namin siya ni Annabelle Rama noong Sunday night.

“Kung hindi sumama si Roselle dito now, nasa Taal na sana kami. Naipit din sana kami doon.

“I’m checking nga now sa mga nasa Taal,” sabi pa ni Mother Lily.

That time nga ay napagkuwentuhan namin ang isang friend ko na kinailangang huminto sa tabi ng highway dahil sa sobrang traffic at puno na raw ng putik ang salamin ng kanyang kotse, kaya wala na silang makita.

Umuulan nga raw ng putik at bato sa mga lugar na malapit sa Taal.

“Let’s pray for the safety ng lahat!” sabi pa ni Mother Lily.

Panay rin ang tawag ni Mother Lily kay Taal Mayor Pong Mercado para mangumusta sa sitwasyon doon. Si Mayor Pong ay dating line-producer ni Mother Lily.

Tirahan ni Ruffa sa Parañaque napuno ng putik

Si Tita Annabelle, panay naman ang check sa kanyang mga anak.

Si Ruffa Gutierrez ang una niyang tinawagan at pinauuwi na sa bahay. Taga-Parañaque City si Ruffa at putik-putik na raw sa bakuran ng bahay niya dahil sa ash fall.

Si Richard Gutierrez naman, nasa bahay lang nito sa Alabang, Muntinlupa City.

Binilinan ni Tita Annabelle si Richard na ipasara ang lahat ng mga bintana sa bahay.

Si Sarah Lahbati naman ay kasama si Raymond Gutierrez at nasa Hong Kong at cancelled ang flight pabalik ng Philippines.

Si Eddie Gutierrez naman, maagang natulog dahil maaga ring gigising para sa taping ng “Make It With You” ng ABS-CBN (na nag-pilot telecast kagabi).

Ang iba pang mga anak ni Tita Annabelle, nasa bahay na rin.

“May ash fall na rin daw sa Alabang, sabi ni Chard. Malakas na rin daw,” sabi ni Tita Annabelle.

Nag-check din si Tita Annabelle sa kapatid ni Tito Eddie sa Silang, Cavite na medyo malapit sa Taal at blackout daw at wala na rin silang tubig.

Hindi naman daw makaalis dahil nga ang traffic at sobrang maputik na ang sasakyan dahil nga sa ash fall.

Nang umalis si Roselle, nag-decide kami na mag-uwian na rin dahil may ash fall na rin sa Quezon City.

Nang magpababa nga ako kay Tita Annabelle sa malapit sa kanyang bahay sa White Plains, may ash fall na rin, kaya nagmadali na akong umuwi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More