Una sa Balita

Ari-arian ni lolo gustong bilhin

0 379

Dear Atty. Claire,

Good po Atty? ask ko lng po. May declaration na pinadala ang muninsipyo sa amin na nakapa­ngalan sa lolo ko pero matagal na po siyang patay. Wala na rin po ang tatay ko na anak ng lolo ar lola ko.

Binayaran ko na po ‘yung tax sa muninsipyo sa ilang taon na ‘di nabayaran.

Gusto ko sanang bilhin ang lupa at ipatitulo ko po sa akin. Ano po ba dapat kong gawin Atty?

Salamat po sa tugon,
Rhiz

Ms. Rhiz,

Tama ang desisyon mo na bilhin ang ari-arian ng lolo mo dahil sa hindi iyan mapapasaiyo dahil lamang sa ikaw ang nagbabayad ng amilyar.

Ang una mong gawin at kausapin lahat ang tagapagmana ng lolo mo. Iyan ang mga kapatid ng tatay (Kung wala na sila ay ang mga anak nila).

Sabihin mo na balak mo nang bilhin ang ari-ariang naiwan ng lolo mo at babayaran mo o bibilhin ang share nilang mana.

Kapag pumayag sila ay magsagawa na kayo ng Extrajudicial Settlement of Estate with Waiver at lahat ng mga tagapagmana ng lolo mo (pati ng tatay mo) o ang kanilang napiling representative ay dapat na nakapirma rito.

Pag naayos mo na iyan ay kakailanganin mong ipadyaryo ang Extrajudicial Settlement of Estate bago bayaran ang Estate tax sa BIR at ang ibang fees. Matapos bayaran lahat ang taxes at fees at maaari ka nang pumunta sa Register of Deeds para mapatituluhan sa pangalan mo. Lakarin mo rin na maayos ang Tax Declaration para mailipat sa pangalan mo.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8410-7624 o 8922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More