Una sa Balita

Ari-arian ng kompanya kakabigin ng SSS ‘pag sumalto sa kontribusyon

By
0 949

BINALAAN kahapon ng Social Security System (SSS) ang mga employer na magbayad na ng kontribusyon ng kanilang mga kawani, dahil kung hindi ito tutupad sa kanilang obligasyon ay mapipilitan ang ahensiy­a na kunin ang mga asset ng kanilang kompanya.

Ang banta ay ginawa ni SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc kasunod ng pagpapalakas ng kam­panya ng SSS laban sa mga kompanyang hindi nagbabayad ng SSS contribution, ani Dooc, marami na silang natatanggap na reklamo laban sa mga employer na hindi nagre-remit ng SSS contribution kaya ito ang siyang una nilang tututukan.

Ayon kay Dooc, kumuha na ang SSS ng sa­riling sheriff at dagdag na mga legal enforcement officer na aakto gaya ng mga BIR exa­miner, sa oras na hind­i umano magbayad ng kanilang SSS contribution ang mga employe­r ay mapipilitan silang kunin ang mga asset nito upang masigurong makukuha ng mga empleyado ang kanilang karapatan.

Inamin ni Dooc na may listahan na sila ng mga kompanyang hindi nagre-remit ng SSS contribution subalit tu­manggi muna siyang isiwalat itong dahil binibigyan umano nila ito ng ilang buwan para ia­ayos ang kanilang utang at pagsapit ng Oktubre ay plano na nilang simulang ipatupad ang kanilang kampanya.

“We are now in the process of finalizing preparations and implementation is seen by October,” pagtatapos ni Dooc.